Friday, February 22, 2013

Mall, isang malaking aquarium



Mall, isang malaking aquarium na kayang mag-occupy ng ilan libong isda. Isdang sumisisid, paparon at paparito, walang specific na direksyon. Minsan may makaksalubong pang kakilala, magbebeso, magtatawanan, konting kwentuhan at ilang saglit pa ay magpapaalam na. Muling lalangoy at papasok sa isang coral reef. Coral reef na naglalako ng ibat-ibang uri ng halaman oh pagkain para sa mga isdang sabik sa bagong bagay oh mga usong bagay at uhaw sa pagkaing muling matitikman. 

May mga isda namang ginagawa ng Park ang lugar na ito. Ginagawa na nilang hobby ang pikikipag sayaw sa ibang isdang nga-ngayon palang nila nakita, naka-ututang dila, at nakadaupang palad na animoy matagal ng nagkasalubong sa mababaw na tubig ng aquarium. 

Nang minsan naglangoy ako sa aquarium na ito, napagmasdan ko rin ang ibat-bang uri ng isda sa pagligid ko. May mga isdang matataba, na minsan mukhang hirap na rin sa paglangoy, salamat nalamang at may gumagalaw na alon para magtangay sa kanila pataas man oh pababa. Meron ding isdang payat na parang hindi na nga kumakain pero wag mo ismolin at meron syang magandang gadget, tats screen ba! Kaya pag kumakain malamig nalamang ang pagkain sa kakatadtad ng litrato – kaya siguro payat? 

May mga grupo din ng isdang magkakasabay lumangoy, halos magkakamukha na nga sila eh, magkakabarkada siguro tong mga isdang to’. Meron din namang nagsosolo lang, parang loner na isda. May mga isdang animo’y may inaantay, may inaabangan, yung iba tamang tingin lang sa isda (gaya ko haha!) pero yung tingin naman nila ay iba sa pagtingin ko, parang may malisya yung tingin nila? 

May mga isda ring nakikisagap ng signal na kung tawagin nila ay Weeefiii, sosyal ano? nakakapagtsimisan at nakikitsismis sila sa ibang isda sa labas ng aquarium sa bagay oh app na kung tawagin nila ay fishbook, twishter, fishtagram, fishykpe at kung ano-ano pa. Hi-tech na talaga panahon ngayon. Pero di papakabog ang mga senior citizen na isda. Madalas din sila maglangoy sa aquarium kasama ang kanilang irog. Meron ding mga batang isda, pero mas madalas ko silang makita sa laruang coral reef ansaya nila habang inuubos ang kwarta ng mga magulang nila (at least nag-eenjoy). At syempre hindi mawawala ang mga isdang nagaabyad sa kani-kanilang customer. Mga nakapostura at sadyang kagalang-galang. Ilan lang yan sa mga napagmasdan ko. Sabihin mo ng mapanghusga ako pero sinasabi ko lang ang nakikita ko. 

Mall, isang malaking aquarium na kayang mag-occupy ng ilan libong isda.

No comments:

Post a Comment