Wednesday, March 26, 2014

My First bought books

All at Once.

Yey! At last I bought these two books. At first I’m just looking for “Para sa Hopeless Romantic” book in every shelves at National Book Store – Lucena City. Natingnan ko na ang halos lahat ng shelves at halos mawalan nako ng pag-asa, sabi kasi sa post nato’eh available na daw ang books ni Marcelo sa lahat ng bookstore kaya nagbakasakali ako, buti nalang natanong ko dun sa isang staff, ang sabi nya “Para sa Hopeless Romantic, uo meron kami at meron pa ngang kasunod na libro yan eh, ung Para sa Broken Hearted kukunin mo narin ba”. Sakto, para akong nanalo sa lotto, ung parang nag BINGO ako. Ang saya lang. Paglabas ko ng Store sobrang abot tenga talaga ngiti ko, pero syempre diko masyadong pinahalata, baka naman sabihin ng mga kasalubong ko, ay parang sira? Hay! Pagkatapos ko mabili ang dalwang book natatawa nalang akong isipin na mas inuna ko itong bilhin kesa sa reviewer na kakailanganin ko para sa aking exam. Pero wala parin akong bahid ng pagsisisi.

Ayan magbabasa nako..



MY FIRST BOUGHT BOOKS.


Waiting for the third book.