Thursday, November 22, 2012

CHRISTMAS IS ALL ABOUT


Chirstmas in our Heart, ang galing no’ nakaktuwang isipin na magpapasko na naman. Bawat taon pinagdiriwang natin ang pasko na may galak at sobrang kasiyahan, bakit? Dahil syempre pasko kaya, sino ba gustong malungkot? Maraming bago, bagong damit, pantalon, sapatos, may bonus pa, 13th month pay, papasko at regalo. Ang istoryang ito ay hindi tungkol sa pagkabigo kaya hindi ko na isasama yung mga malamig ang pasko para Merry Christmas natin lahat :).

Kada taon ganito natin ipinagdirwang ang kapaskuhan, naghahanda ang bawat isa sa araw na ito – maagang preparasyon, sa pagdedecorate ng bahay, pagsabit ng mga makukulay na bagay, mga kumikislap-kislap at matayog na puno, na sadya naming napakagandang tingnan at hindi naman masamang mag desenyo ng ganito sa ating kabahayan. Pero ang nakakalungkot na bagay lang eh, ilan nga ba satin ang may alam ng tunay na kahulugan ng pasko? Sige sabihin nalang natin na alam nga natin ito literally, na ipinanganak ang Messiah (si Jesus) sa isang sabsaban. Sa totoo lang sobrang nalulungkot ako dahil hanggang dito lang ang alam ng ibang mga tao (hindi ko naman nilalahat), Siguro iniisip nyo’, bakit sino ba ako para sabihin ito, Ito nga kami oh sobrang paghahanda sa araw ng kapaskuhan, para may makain ang aming mga bisita, makapagregalo sa mga mahal namin sa buhay, todo handa nga din kami sa Christmas party namin (na hindi naman masama). Ang malungkot na bahagi lang nito, nakakalimutan ng tao ang totoong dahilan ng Pasko, Siguro nga pag nagtanong ako sa mga bata oh kahit sa ilang matatanda eh baka hindi nila alam ang tunay na kahulugan ng Pasko, oh ano ba ang nagyari? pano ba pinanganak si Hesus, bakit sa sabsaban, bakit sa isang mabaho at maduming sabsaban, bakit hindi sa napagandang palasyo, kung saan may mga taong pwedeng makatulong para makapanganak si Maria ng maganda at maayos, diba sya si Hesus ang hari ng mga hari, bakit dun pa sa lugar nay un diba. Yung bituin na un na nagturo ng daan para matagpuan ng tatlong Pantas at hindi Hari ang lugar kung saan ipapanganak si Hesus, alam ba ng mga tao na matagal na nila itong sinusundan, at hindi nila ito bigalang nakita lang ng araw na iyon. Diba napakagaling ng Panginoon, kung paano at kung saan ipapangak si Hesus bakit sa lugar na yun at bakit December 25 yun. Kung alam lang ng mga tao siguro ganito din ang pakiramdam nila tuwing sasapit ang araw ng kapaskuhan, sobrang How great God is. Pero ibang galak ang nararamdaman ng mga tao, mga pansariling interest ba (hindi naman sa nagmamalinis ako), nalulungkot ako tuwing may nakikita akong nagiinuman sa araw ng pasko, it’s Christmas what’s with the liquor diba? Hindi ba nila alam na nasaaktan si Hesus, dahil ang gawaing ganun ay hindi karapat-dapat sa harapan ni Hesus. Ikaw maaring nagsasaya ka sa bawat paglagok mo ng alak, sa bawat paghithit mo ng sigarilyo para maubos ang buhay mo, at pagsambit mo ng mga hindi magandang salita, masakit yun kai Lord alam mo bang umiiyak sya. Isa pang nakakalungkot sa panahon natin ngaun eh uso na ang mga pinaikling salita kaya naman nagiging Xmas na ang pasko, diba ang weird kung ikakagalit mo pa to’ pero diba it seems na inaalis mo si Christ? Pano mabubuo ang  Christmas nyan kung wala si Christ, hindi lang sa word na yun kung di sa puso natin. Diba mas maganda naman mag organize oh magcelebrate ng Christmas party na nandun si Christ. Yun bang puro games, kantahan, pasasalamat dahil isinilang si Hesus na ating tagapgligatas.

Ako, magkahalong saya at lungkot ang aking nararamdaman. Bakit?
Masaya ako dahil pinili ako ni Hesus para makilala sya, at inaamin ko na hindi ako ganon kalalim at patuloy akong nagaaral ng salita nya, para ibahagi ito sa ibang tao. Hindi ako perpekto, may mga pagkakamali din ako, at sobrang proud ako na may God ako sa puso ko na handa akong patawarin at i-welcome ako kasama nya dun sa kanyang kaharian. (it’s not about religion, but it’s all about HIM).
On the other hand, malungkot ako dahil sa billion tao sa mundo ang hindi pa nakakakilala kung sino ang tunay na Hesus. I Hope to reach you for God. Dahil si God ni-rereach ka nya ini-ignore mo lang. Sometimes tayo pa nagagalit sa kanya pag hindi Nya tayo pinapakingan, pag hindi Nya tayo pinagbibigayan sa hiling natin. You know what? God always saves the best for us, totoo yan and hindi ko nayan kailangan patunayan,. Imbes na puro reklamo tayo, thank God you breath and still breathing, you can read and still keep on reading, you hear and yet still hearing, Someday I pray you hear God’s call, calling out your name in thousands of people.

God is so powerful; actually He wrote this entire thing. Ako lang taga type Nya, nag-apply kasi akong Secretary Nya, dahil through writing gusto kong maibahagi si God. Hoping one day He will touch you.
Good Day and spread His word.

By Sarah Joy Sapungan
BLOGGER, POEM LOVER, DREAMER, BELEIVER OF GOD

No comments:

Post a Comment